Ex-PBB housemate Devon Seron to star in a Korean film

5/20/2017 11:46 AM
by: Cristina Malonzo

052017-Devon_PUSH.jpg

Sa TV Patrol, ibinalita na bibida si ex-Pinoy Big Brother housemate Devon Seron sa isang Korean film na may title na You with Me. Dumaan diumano si Devon sa audition at makeover. Aniya, “Sa original list po nila hindi po ako kasama. Medyo nage-gate crash audition ako. Talagang minake-over nila ako.”

Nagmukhang Korean si Devon matapos ang kanyang makeover. “Yes, ibang-iba yung look ko ngayon.”

Makakasama niya sa pelikula sina Hyun Woo at Jin Ju Hyeong. Ani Jin Ju Hyung, “I’m so excited and very nervous.”

Nang tanungin kung paano siya maghahanda sa kanyang role, sinabi ni Devon na, “Unang-una ako muna ang matututo ng Korean … siguro step by step kung ano yung natutunan kong word ita translate ko sa Tagalog.”

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN