Richard Yap celebrates 50th birthday

5/19/2017 11:08 AM | Updated as of 5/20/2017 9:30 AM
by: Kiko Escuadro

051917-RichardYap_PUSH.jpg

Nagdiwang ng kaarawan ang aktor na si Richard Yap na 50 years old na ngayon. Sa isang simpleng salu-salo idinaos ni Papa Chen ang kanyang birthday kasama ang kanyang pamilya at ilan sa malalapit na kaibigan. Tanging pasasalamat lang daw ang kanyang dasal ngayon.

“Wala naman. It’s just another day for me and thankful tayo to be given another year and a chance to be here to do more,” saad pa ni Richard.

Walang mahihiling na materyal na bagay pa si Papà Chen kundi maayos na kalusugan lamang para sa kanyang pamilya. Bukod dito, nagbigay ng tips din si Richard para magmukhang fresh at forever young tulad niya.

“Materially wala na. I just want the best for my family for myself… Of course try to live a simple and clean life as much as possible. Try to be healthy and exercise.”

Samantala, maingay din ngayon ang usap-usapan tungkol sa napipintong pagsasama muli nila sa proyekto ni Jodi Sta. Maria kung saan napapabalitang kasama nila ang bad boy na si Robin Padilla

“Of course hinihintay ko yun, I hope magkasama kami muli one of these days (Jodi) at kami rin naman naghihintay din sa proyekto na iyan,” pahayag pa nito.

Markado ang ilan sa mga proyektong pinagsamahan ni Jodi at Richard gaya ng kilig seryeng Be Careful With My Heart at pelikulang The Achy Breaky Hearts.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN