Robin Padilla reveals his first thoughts on project with Jodi Sta. Maria and Richard Yap

5/19/2017 10:11 AM | Updated as of 5/20/2017 9:16 AM
by: Jeff Fernando

051917-RobinPadilla_PUSH.jpgLabis na ipinagmalaki ni Robin Padilla ang kanyang asawa na si Mariel Rodriguez Padilla para sa pagbibigay gabay nito sa kanyang mga anak na si Queenie at Kylie na parehong on the family way ngayon.

"Si Mariel ang abala, kasi sa usapin na yun ako puro dasal bilang tatay pero hindi ko naiintindihan yun kahit saang aspeto hindi ko naman naramdaman yun e kaya ang kausap araw araw ni Kylie ay si Mariel."

Kuwento ni Robin, pambihirang pagkakataon na halos magka-edad lang ang panganay nila ni Mariel at ang kanyang magiging mga apo kay Queenie at Kylie.

"Dapat siguro maging hands-on ako. Wala naman masama doon lalo na sa edad ko na nakakatuwa ay dumating ka sa panahon na nasa prime ka pa. Napakasarap na may dala kang magkabilang braso mo ang anak at apo mo ng at hindi kapa ugod-ugod."

Isa din ngayon sa pinagkakaabalahan ni Robin ang pagbubukas ng Museo Padilla ngayong Nobyembre.

"Ang kasaysayan ng mga Padilla at ng Pilipinas kasi magkasama yun e. Ang mga Padilla kasi mga Español iyan na nagpunta dito hanggang sa nabuo ang Filipino-Spanish history. Magkasabay yun."

Excited din na ibinahagi ni Robin ang aabangang project niya bilang isang kapamilya kasama ang tambalang Jodi Sta Maria at Richard Yap na naka-bonding niya na sa isang okasyon.

"Kahit kami naman ni Sir Chief nagkita kita na kami. Nakakatuwa nga e kasi ng umugong yun na kinausap ako, ang kinausap ko agad si Sir Chief kasi tagahanga ako ng dalawang yun sa show nila tapos papasok ako, may papasok na malisyoso kaya medyo iba ang dating non kaya kinausap ko muna si Sir Chief.”

Looking forward na ang fans ni Robin sa paggawa niya muli ng mga proyekto sa ABS-CBN at sa kanyang adbokasiya.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN