Miss Universe organization sue makers of the Miss Universe crown

5/19/2017 10:05 AM | Updated as of 5/19/2017 11:12 AM
by: Jeff Fernando

051917-MissU_PUSH.jpgMula sa report ng Reuters, ibinalita na nagsampa ng demanda noong Martes (oras sa Amerika) ang producers ng Miss Universe Pageant sa Czech company na gumagawa ng iconic crowns ng pageant. Ayon sa producers ng Miss Universe, ginagamit pa rin ng Czech company ang pangalan ng Miss Universe kahit natapos na ang ten-year sponsorship agreement.

Ayon sa IMG Universe, ang nagmamay-ari na ngayon ng sikat na beauty pageant na nabili mula sa noon kay billionaire businessman Donald Trump noong 2015, natapos na ang kontrata ng Diamonds International Corporation o DIC noong August matapos magkaroon ng matinding financial problem ang kumpanya.

Kahit natapos na ang kontrata ay patuloy pa rin ginagamit ng DIC company ang pangalan ng Miss Universe at nasa itaas lagi ng logo ng kanilang kumpanya na di na nagustuhan ng Miss Universe organization.

Naka-file na ang complaint ng IMG sa U.S. District Court in Manhattan.

Triple damages ang isinampang complaint ng lawsuit para sa alleged trademark infringement na nagkakahalaga ng 2.04 Million US Dollars in contractual payments at unspecified damages ng breach for sponsorship agreement na tatakbo dapat sa mga taon ng 2015 hanggang 2024.

Ilang beses na rin nagpalit ng korona ang Miss Universe pageant sa 65 years ng history nito at kabilang sa nagsuot ng iconic DIC crown ang pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach na nanalo noong 2015.

Ang IMG ang siya ring producers at nagmamay ari ng Miss USA at Miss Teen USA pageants.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN