McCoy on his relationship with Elisse: ‘Nandun kami sa point na masaya kami ’pag magkasama’

5/18/2017 11:34 AM | Updated as of 5/19/2017 11:04 AM
by: Cristina Malonzo

051717-McLisse_PUSH.jpgSa TV Patrol, sinagot ni McCoy de leon at Elisse Joson kung nag-level up na nga ba ang kanilang relationship. Ani McCoy, “’Di rin namin alam, pero nandun kami sa point na masaya kami ‘pag magkasama kami.”

Si Elisse naman, “We’re taking it slowly kasi nga siyempre para po sa akin mas okay kung dahan-dahan.”

Nang tanungin kung tinanong na ni McCoy si Elisse kung pwede niya itong maging girlfriend, ang reaksiyon ni Elisse ay, “Wala naman pong sagot kung walang tanong.”

Si McCoy naman sumagot nang pabiro na, “kailangan ba talagang step by step?” Dagdag niya, “nagiging careful lang din kami sa bawat move namin.”

Tanong din ni McCoy kay Elisse, “kung mag-overtake ba payag ka?” na sinagot naman ni Elisse ng, “nasa sa ‘yo yun.” 

Hindi rin daw totoo na pinaiyak ni McCoy si Elisse. Ayon kay Elisse, “parang wala pa naman pong nangyari na naiyak ako sa dressing room ng ABS-CBN, wala naman po dapat ikagalit.”


Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN