Xian Lim and Joseph Marco admit Jodi Sta. Maria wasn’t like what they expected

5/18/2017 9:36 AM | Updated as of 5/18/2017 11:34 AM
by: Kiko Escuadro

051717-DearOtherSelf_PUSH.jpgSabay sabay na naglakad sa red carpet sa premiere ang mga lead stars ng pelikulang Dear Other Self na sina Joseph Marco, Xian Lim at Jodi Sta Maria. Pinagkaguluhan sila ng mga fans na matiyagang nag-antay sa kanila na upang makita sila ng up close at personal.



Ito ang unang project na makatrabaho nina Xian at Joseph si Jodi kayat di nila makakalimutan ang experience na makasama ang aktres.

“Ang galing!” bungad ni Xian.

“Sa una nakaka-intimidate dahil Jodi Sta. Maria yan eh pero napaka professional. Kalog din pala siya at magaling din mag joke,” kuwento ng actor.

Para naman kay Joseph, “everyday is a new day” ang feeling nang nakasama si Jodi.

“Yung gigising ka sa umaga, nilu-look forward mo ang pakikipagtrabaho sa kanya,” saad pa nito.

Sa panayam na ito, naibahagi rin ni Jodi ang kanyang Dear Other Self o ang Jodi sa personal na buhay.

Aniya, binigyang halaga niya ang edukasyon at naka-enroll ngayon ng kursong psychology na isasabay niya sa pag aartista.

“This year actually naka-enroll ako and I was able to find a school. So hopefully matapos ko so eto na tutuparin na natin si other self,” pahayag pa ng aktres.

Sa ngayon hangad ni Jodi na maging magandang halimbawa sa kanyang fans lalo na sa kabataan na bigyan ng halaga ang edukasyon.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN