EXCLUSIVE: Janice Jurado reveals how she dealt with her drug addiction

5/18/2017 9:29 AM | Updated as of 5/18/2017 11:31 AM
by: Leo Bukas

051717-JaniceJurado_PUSH.jpgSino’ng magsasabing wala nang pag-asang magbago ang isang dating drug user na katulad ng sexy actress na si Janice Jurado? More than 10 years din na nalulong sa droga si Janice pero gumaling ito at nasa maayos na pamumuhay na ngayon.

“Open book naman ang buhay ko. Alam naman nila na dati akong drug user. Pero siyempre, hindi na ngayon,” pahayag sa PUSH ng dating bombshell.

Mga kaibigan niya raw sa showbiz ang nagdala sa kanya noon sa rehab.

“Sina Ali Sotto, Christopher de Leon, Rez Cortez, Amy Austria, sila yung nagpasok sa akin sa rehab. Sabi ko kasi masakit yung ngipin ko kaya pinainom nila ako ng gamot, yon pala pampatulog. Pag gising ko nasa basement na ako (ng Makati Med),” kuwento pa niya.

Patuloy ni Janice, “Two months ako sa loob ng detoxification tapos four months sa loob ng rehabilitation.

“Lahat ng klase nasubukan ko – shabu, cocaine to heroine.”

Tinangka na rin niyang mag-suicide noon dahil sa epekto ng droga.

“Nag-suicide ako four times. Buti hindi natuluyan. God is good.

“Tapos nawala yung respeto nila sa akin, ng mga anak ko. Nawala yung mga kapatid ko, mga kaibigan ko, ang career ko, ang itsura ko, ang pangalan ko.”

Pero ibang-iba na raw ang buhay niya ngayon.

“Masaya ako kasi lahat ng nakikita ko, ‘Kumusta ka na, kumusta na yung sakit mo?’ Di katulad ng dati na, ‘Hoy adik.’

“Kahit sa jeep, nahihirapan akong sumakay at maglakad kasi pinag-uusapan ako. Hangga’t maaari ayoko nang pumunta sa anak ko kasi baka mapahiya sila. Ngayon, proud na proud ang mga anak ko sa akin,” lahad pa ni Janice.

Dahil sa mga pinagdaanan, nagkaroon ng advocacy si Janice para makatulong sa pamilya na pinagdadaanan din ngayon ang naging problema niya noon.

Aniya, “Nagla-life testimonies ako, Luzon, Visayas, Mindanao. One time may lumapit sa akin na parents na may isang anak na adik na hindi nila malapitan, sabi ko ako ang lalapit. Kinausap ko yung bata, sabi ko, ‘Halika, tira tayo, may dala akong shabu.’ Sumama yung bata, tapos diretso na siya sa loob (rehab).

“Kapag nagla-life testimony ako, may nagtatanong sa akin, ‘Bakit, naranasan mo bang marehab?’ Sabi ko, ‘Yes.’ ‘Naranasan mo bang makulong?’ ‘Yes.’”

Hinding-hindi na rin daw siya babalik sa pag-aadik.

“Oo, nagsasalita na ako nang tapos. Kasi unang-una, lalayas yung anak ko. ‘Mama, isa pa,’ sabi niya. ‘Mawawala ako.’ Lalo na yung anak kong babae.”

Malakas na rin daw ang loob niya na iwasan ang temptasyon ng droga.

“Madaming temptation. Sobrang dami. Pero ang dali namang magsalita ng hindi. Sabi ko, ‘Ayoko.’ Hindi katulad ng dati, ‘Meron ba tayo diyan?’” katwiran niya.

Eh, ano namana ng reaksyon niya sa sinasabi ng iba na “once an addict always an addict”?

“No, mali yon. Siguro pag hindi ka nagpa-rehab. Kasi ang proseso ng pagre-rehab kailangan kang i-detox. Dinetox ako, tapos nag-rehab ako. Tapos hindi na ako ibinalik sa dati kong tirahan, kailangan huwag kang ibalik don, eh, kasi madami do’n eh.

“Walang cellphone, walang telepono. Dapat ganu’n. Mahirap sa simula, pero siyempre, para rin naman yon sa ikabubuti mo. Naniniwala ako na lahat ng kagaya ko may chance magbago at puwedeng magbago,” pagtatapos ni Janice na kasama sa pelikulang Bubog ni Direk Arlyn dela Cruz na tumatalakay tungkol sa probihited drugs.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN