Brian Poe Llamanzares thanks Coco Martin for keeping FPJ’s image alive

5/18/2017 9:25 AM | Updated as of 5/18/2017 11:23 AM
by: Jeff Fernando

051717-BrianPoe_PUSH.jpgAbala ngayon ang isa sa mga anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares sa kanyang ginagawang adbokasiya sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng relo.

Nag-umpisa lang sa pagkahilig, naisipan ngayon ni Brian na bumuo ng kanyang sariling konsepto na makakatulong sa kanyang kababayan. 

"Every time you buy a watch, part of it ay mapupunta sa Move Ed foundation which gives [it to] children who can't afford to finish their education."

Masaya din daw ang binata para sa suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang mga magulang at buong pamilya sa ginagawang pagtulong sa sariling paraan.

"Siyempre all out support ang nanay and tatay ko and my mom told me na any success I gain from my business dapat ibabalik ko din yun sa kababayan ko." 

Bukod dito proud din si Brian para sa patuloy na pamamayagpag sa rating ng FPJ's Ang Probinsyano.

"Actually kausap ko lagi si Arjo (Atayde). Lagi ko sinasabi sa kanya na I’m so proud dahil hindi lang para sa success ng program but it was also the success for the memory of my Lolo FPJ."

Dahil dito labis na pinasalamatan ni Brian si Coco Martin sa pagiingat at pag-aalaga sa magandang nagawa ng kanyang lolo.

"Maraming salamat, Coco, dahil sa husay mo bilang artista hindi nawawala yung prestige ng pangalan ng ;olo ko na si Fernando Poe Jr," pagtatapos na pahayag ni Brian.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN