Vice Ganda looks forward to bonding with Pia Wurtzbach for their upcoming movie

5/17/2017 9:49 AM | Updated as of 5/18/2017 9:32 AM
by: Kiko Escuadro

051717-ViceGanda_PUSH.jpg

Present sa naganap na special block screening ng pelikulang Bliss ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Iza Calzado upang magbigay suporta. Kabilang na dito ang unkabogable star na si Vice Ganda.

Sa panayam na ito, naibahagi ng It's Showtime host ang kanyang pananabik para sa nakatakdang pagsasama nila sa isang pelikula ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

"Ginagawa pa lang ang script. Hindi pa siya nai-present sa akin ang buong concept. Ang nakarating pa lang sa akin nakausap na nila si Pia and okay naman daw si Pia kasi nung inofer sakin umo-o ako right away," ani ni Vice.

Dahil first time nilang magsasama sa isang proyekto, kuwento ni Vice aashaan din daw ang matinding kompetisyon sa kanila ni Queen P.

"Kabugan kami ng kagandahan sa pelikulang yan at ayun ang asahan nila," pagbibiro pa nito.

Sa ngayon ay looking forward na daw ang unkabogable star na makasama at makilala pa si Pia bago maumpisahan ang kanilang proyekto.

"Ang naging pinaka-bonding pa lang namin pag nag-guest siya sa show ko e. Other than that, hindi pa naman kami nagkakasama at nagkikita pa," pahayag pa nito.

Nakatakdang umpisahan ang pelikula ni Pia at Vice ngayong taon sa pamumuno ng Star Cinema.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN