Iza Calzado grateful for BFF Karylle’s support for her movie ‘Bliss’

5/17/2017 9:36 AM | Updated as of 5/18/2017 9:25 AM
by: Jeff Fernando

051717-IzaCalzado_PUSH.jpg

Nagkaroon ng special celebrity block screening ang pelikulang Bliss na pinagbibidahan ng kapamilya actress na si Iza Calzado.

Markado ang performance ni Iza sa pelikula at dito rin siya nanalo bilang best performer para sa Osaka Asian Film Festival sa Japan.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Iza sa kaibigan na si Karylle na nag-convince sa kanya na mag-imbita ng mga kaibigang celebrities para sumuporta sa kanyang pelikula.

"I would like to thank Karylle because she gave me courage to invite people kasi mahiyain ako. Miss congeniality ako pero pagdating sa pag-invite sa events, mahiyain ako. Feeling ko mang-iistorbo ako ng tao,” sabi pa ni Iza.

Todo suporta ang BFF na si Karylle sa red carpet sa pagsalubong sa mga bisita. Ilan sa mga dumating ang ABS-CBN executives na sina Charo Santos Concio at Malou Santos kasama din ang kanilang mga kaibigang artista na sina Vice Ganda, Bianca King, Zia Quizon, Robin Nievera, Tim Yap at Raymond Gutierrez.

Para kay Karylle, ito ang kanyang paraan ng pagtulong sa kanyang kaibigan na passionate sa kanyang nagawang pelikula

"Sabi ko sa kanya, ‘Iza all of us love you and we’re here to support you. Ikaw ang Osaka Asian Film Fest best performer.’ At alam naman natin how passionate she is sa acting. Nag-workshop pa siya lately kaya she deserves all the support and the love.”

Kaya naman abot-abot ang pasasalamat ni Iza sa lahat ng mga dumating at sa kanyang kaibigang si Karylle na di nya makakalimutan.

“Parang nao-overwhelm talaga ako sa support!” pahayag pa ni Iza

Hoping naman sina Iza at Karylle na magkasama silang magkaibigan sa isang proyekto.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN