Bianca King admits she was not expecting the success of ‘Pusong Ligaw’

5/17/2017 9:25 AM | Updated as of 5/17/2017 9:52 AM
by: Kiko Escuadro

051717-BiancaKing_PUSH.jpg

Masayang masaya ang bagong kapamilya actress na si Bianca King para sa success ng kanyang pinagbibidahang teleserye nila ni Beauty Gonzalez na Pusong Ligaw.

Sa panayam na ito kay Bianca sa special block screening ng pelikulang Bliss, naibahagi ng aktres ang kanyang kasiyahan para sa tagumpay ng kanilang programa.

"Sobrang saya naming lahat. We weren't expecting it kasi pumasok kami sa project just thinking na we really need to do our best para mapaganda namin siya. At first we were all so nervous kasi nga it is our first time working with each other like it was a new team up for everyone," ani pa ni Bianca.

Ikinumpara din ni Bianca ang success ng kanilang programa sa samahan na kanyang nabuo sa mga bagong kaibigan sa kapamilya network.

"Sobrang grateful ako sa pagpasok ko sa ABS-CBN and yung unang show ko ay katulad ng pagsasama naming lahat. Not just the show itself but the friendships that we built and I’m happy that we are all very close," saad pa nito.

Bukod dito, aminadong hindi din nakakaligtas si Bianca ngayon sa mga haters dahil sa kanyang pagganap bilang si Margarette na bida-kontrabida sa programa.

"I think ang mga viewers love at hate nila si Margarette. Love kasi gusto nila yung portrayal and hate kasi ako yung trouble character but at the end of the day what's really important is na-entertain natin ang mga viewers," pagtatapos na pahayag ni Bianca.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN