EXCLUSIVE: Paul Salas admits he now has a lot of gay admirers after his photos went viral

5/17/2017 9:20 AM | Updated as of 5/17/2017 9:49 AM
by: Leo Bukas

051717-PaulSalas_PUSH.jpg

May kuwento ang guwaping at matangkad na binatilyong si Paul Salas na kasama sa pelikula ng Star Cinema na Dear Other Self na showing on May 17 kung bakit nag-viral sa social media ang pag-post niya ng katawan na batak na batak ang muscles after niyang mag-gym noon.

“Hindi ko po talaga planong i-post yon. Actually, ano lang, siyempre sa naggi-gym nagpi-picture talaga, tinitingnan mo yung dati mong katawan.

“Eh, itong sina Daddy at mga kaibigan ko, pinipilit ako, ‘Sige, i-post mo para may makita naman silang iba.’ Sabi ko, ‘Sige, ita-try ko, bahala na kong magka-bashers man ako o sabihing mayabang ako.’ Pero okey naman pala,” kuwento ni Paul sa PUSH.

Napansin din niya na after niyang mag-post, lalong dumami ang kanyang supporters sa social media.

“Nababasa ko madaming nag-a-admire sa Twitter, yung mga gay sites na ganu’n. Yung iba, may mga account sila na mga naggi-gym talaga, as in ang daming followers.

“Ako, okey naman sa akin, at least, napo-promote nila ako, nagugustuhan nila yung katawan ko at may nakikita akong nagbago sa akin,” natatawang sabi niya.

Patuloy pa ni Paul, nagkaroon din daw siya ng gay admirer.

“At least, dumagdag yung supporters ko. Wala naman akong hate porke’t gay ang nagsusuporta sa akin. Nakakatuwa nga rin kasi ang kulit, eh,” sabay tawa niya nang malakas.

Hindi ba parang minadali naman niya ang pagpapalaki ng katawan considering na he’s only 18 years old?

Aniya, “Hindi naman po. Actually, naisip ko na habang wala namang ginagawa bakit hindi ko pagandahin ang sarili ko, kung ano yung gusto ko talaga. Like yung mag-workout, mag-basketball.

“Saka gusto ko na rin na pag nagbalik teleserye ako medyo mature na rin yung tingin nila sa akin, hindi yung pa-cute pa.”

Inamin din sa PUSH ni Paul na wala na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend. Hindi raw sila nagkaintindihan kaya humantong sa hiwalayan ang lahat.

“Iba po kasi yung mundo niya. Ako sa showbiz, acting yung ginagawa ko tapos siya iba naman, so hindi kami nagkakaintindihan, hindi niya naiintidihan yung trabaho ko,” rason niya.

Nang i-suggest namin na dapat taga-showbiz na lang ang ligawan niya ay napangiti lang si Paul.

“Bahala na po,” sagot ng gwapong binatilyo.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN