Gary Valenciano plans to go back to acting

5/16/2017 10:11 AM | Updated as of 5/17/2017 9:25 AM
by: Kiko Escuadro

051617-GaryV_PUSH.jpg

Well-attended ang unang bahagi ng Gary V Presents concert ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano nitong weekend. Dito kasama ni Gary ang iba’t-ibang independent OPM artist.

Dahil ito na ang last season ng kanyang concert, mas marami ng oras ngayon si Gary na mag-focus sa ibang mga bagay, tulad ng pagbabalik sa acting.

Kamakailan, nag-renew ng kontrata si Gary sa Kapamilya network kung saan napag-usapan ang kanyang plano na muling pagsabak sa drama.

"Actually tinatanong na ako ni Angeli (Gary's wife) kung gusto ko daw ba mag MMK (Maalaala Mo Kaya). So ako nag-aabang lang talaga ako ng isang magandang role kung saan ma ipapakita kong muli ang aking kakayahan sa acting."

2012 ng huling sumabak si Gary sa pag-arte sa pelikulang I Doo Bidoo Bidoo kung kaya para sa kanya ay kailangan niya muling dumaan sa acting workshop.

"Siguro ngayon kailangan ko muna mag acting workshop ng kaunti. Kasi all of the good actors here ay mayroong process para magawa ang mga bagay na akala mong hindi mo magagawa sa isang eksena na medyo challenging," sabi pa ni Gary.

Bukod dito, aminadong malapit sa puso ni Gary ang pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa pagkanta.

"Baka kailangan pa nila ng isa pang judge ng The Voice andito lang ako. (Laughs) I love doing that, I love being a mentor, I love helping. Siguro kasama na doon ang naging example ko ngayon sa Gary V Presents na gusto ko talaga makatulong ng higit pa sa ginagawa ko sa stage," pahayag ni Gary.

Sa ngayon abala pa din si Gary para sa last two nights ng kanyang season finale concert na Gary V Presents ngayong May 19 at 20 at The Theater ng Solaire.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN