Vice Ganda confirms movie with Pia Wurtzbach and business partnership with Daniel Padilla

5/7/2017 9:01 AM
by: Leo Bukas

Kinumpirma ni Vice Ganda sa isang intimate tsikahan kasama ang ilang malalapit sa kanyang entertainment press ang tungkol sa pelikulang gagawin niya sa taong ito kasama si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Wala pang binigay na title ng pelikula si Vice pero ayon sa kanya, creative consultant din siya ng naturang project pero wala raw itong extra pay.

“Hindi ko pinapabayaran yon, eh—yung my being part of the creative. Kasi I feel it’s my obligation kasi it’s my movie, na kailangan yung inputs ko nandodoon.

“Kasi everything has to be ‘vicified.’ Kasi alam nila pag hindi ‘vicified’ yung act, yung tema… Kasi may certain Vice Ganda brand, kailangan ma-ano mo yon, eh. Kasi pag hindi, ‘Ay hindi ito Vice Ganda.’ Baka hindi nila magustuhan,” kuwento niya sa amin.

Patuloy pa niya, “Gustung-gusto ko rin naman yung ganu’n. Na nire-require nila ako, na kailangan hands-on. Ang wordings kailangan sa akin nanggagaling.

“Nasanay na din sila na nakikialam ako, eh. Pag hindi ako nakialam nagtataka sila na ‘Uy, ba’t hindi kumikilos?’ Naba-bother sila kaya ano rin ako. Eh, very passionate talaga ako kapag nagtatrabaho.”

Sinigurado rin ni Vice na aalagaan niya si Pia sa pelikulang pagsasamahan nila.

“Hindi ko naman pababayaan yang si Pia,” sabi pa niya. “We are friends actually. Kahit si Jonas (Gaffud, manager ni Pia), friends kami.

“Hindi ko pababayaan si Pia, mahal ko yon, ‘no. I will take good care of her,” dagdag pa ni Vice.

Hindi pa sure ni Vice kung para sa 2017 Metro Manila Film Festival ang kanilang movie.

“Basta before the year ends. Puwedeng filmfest, puwede rin namang before fimfest, but definitely, bago matapos ang taon (2017) may mapapanood kayong movie,” balita pa niya.

Bukod sa movie with Pia, magkasosyo din daw sila ngayon ni Daniel Padilla sa isang bar.

“Siguro June or July, mag-o-open kami ng bagong bar. Kapartner ko sina James Yap at saka si Daniel Padilla sa Greenhills. District 8 ang pangalan.

“Itong District 8, si Daniel kasi ang nagsama sa akin at hindi na ako naka-hindi. Sabi niya, ‘Nagtatayo kami ni James Yap ng bar, sama ka, ha.’ Sabi ko, ‘O, sige. Anong bar yan?’

“Kinabukasan tumawag siya, ‘Asan ka?’ Sabi ko nasa Showtime. ‘O, ipadala mo na sa akin yung cheke.’ ‘Kausap lang kagabi tapos cheke na tayo agad?’ Yung ganu’n.”

Bukod sa bagong bar, kasosyo din si Vice sa The Palace Pool Club, Valkyrie at Tipsy Pig na nasa The Fort.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN