Rachel Peters is the new Binibining Pilipinas - Universe

5/1/2017 2:17 AM
by: Push Team

050117-Rachel_PUSH.jpgUmpisa palang, nagpasiklaban agad ang 40 official candidates ng Binibining Pilipinas 2017 sa ginanap na pageant ngayong gabi sa Araneta Coliseum. 

Hosted by Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ng aktor na si Xian Lim, mula 40 down to 25 candidates agad ang nagpatuloy para sa Swimsuit at Evening gown completion.

From 25 candidates stand out naman sa kanilang long gown ang 15 candidates na nagpatuloy naman para sa Question and Answer portion.

Kinabahan, pero confident at mahusay na nasagot ng mga kandidata ang mga naging katanungan sa kanila ng mga judges na kinabilangan ng mga Kapamilya personalities na sina Paulo Avelino, Gretchen Ho at Ted Failon.

Sa huli, kinoronahan naman para lumaban sa International pageants sina:  

Binibini 19 Rachel Peters (Bb. Pilipinas - Universe)

Binibini 15 Maria Angelica De Leon (Bb. Pilipinas - International)  

Binibini 18 Nelda Ibe (Bb. Pilipinas - Globe) 

Binibini 31 Katarina Rodriguez (Bb. Pilipinas - Intercontinental)

Binibini 22 Chanel Olive Thomas (Bb. Pilipinas - Supranational) 

Binibini 39 Elizabeth Clenci (Bb. Pilipinas - Grand International)  

Itinanghal naman bilang mga runners up sina candidate no. 40 Kristel Guelph (2nd Runner Up) at si candidate no. 32 Charmaine Elima (1st Runner Up)

Bukod dito humakot din ng special awards sina Rachel, Maria Angelica at Chanel. 

Inuwi ni Chanel  ang Friendship and Best in National Costume samantalang Best in Swimsuit, Miss Photogenic and Jag Denim Queen si Rachel.  

Best in Talent naman si Dane Felisse Marasigan at Manila Bulletin Readers' Choice si Christagale Borja. 

Best in Long Gown at Miss Creamsilk awards naman ang napunta kay Maria Angelica. 

At last but not the least si Katarina Rodriguez ang nanalo ng special award mula sa Philippine Airlines.  

Ang kinatawan ng bansa this year sa Miss Universe na si Rachel ay isang Fil-British na tubong Camarines Sur.  Lumaki sa iba't ibang bansa si Rachel at nanirahan ng matagal sa Thailand. Isa siyang events organizer at mahilig sa beach at dogs ayon sa kanyang interview sa Binibining Pilipinas official Facebook page. 



Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN