Ai-Ai delas Alas admits looking for signs before deciding to get married to boyfriend Gerald Sibayan

4/21/2017 8:51 AM | Updated as of 4/22/2017 6:59 PM
by: Leo Bukas

042117-AiAiDeLasAlas_PUSHMAIN.jpgNilinaw ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas na hindi parang yaya na role niya sa pelikulang Our Mighty Yaya ng Regal Entertainment ang pag-aalagang ginagawa niya sa kasintahang si Gerald Sibayan.

“Pag naglalambing lang siya saka ako nagiging yaya sa kanya. Si Gerald kasi, millennial yan, eh. Hindi siya yung alagain. Ano lang, chill-chill lang siya.

“At saka kasi, sanay yan na nabuhay na mag-isa kasi national team yan, eh. So, bata pa lang sila nando’n na sila sa isang square sa Rizal, yon yung buhay nila – magba-badminton, papasok sa loob, mag-aaral. So, sanay siya ng ganung buhay, hindi siya alagain,” deskripsyon niya sa kasintahan.

Pero ayon kay Ai-Ai, hindi naman naiilang si Gerald kapag inaalagaan niya ito.

“Hindi siya naiilang. Gusto niya yon kasi, kumbaga, hindi naman siya sanay ng ganu’n kaya nung nakaramdam siya, nasarapan siya… nasarapan na inaalagaan siya, yung bini-baby,” natatawang sey ni Ai-Ai.

Nagbigay din ng konting detalye si Ai-Ai sa engagement na naganap sa kanila ni Gerald.

“Simple lang yon. Isang gabi na nagising na lang ako na binigay niya yung singsing. Simple lang yon pero one year na niya tinatago yung ring na yon. Kumbaga, matagal na niyang tinatago yon, pinag-ipunan, so nung nararapat na yung time para sa kanya ibinigay na niya kasi hindi na rin daw niya kayang isikreto,” kuwento ng komedyana.

After ng kanilang engagement ay sa kasalan na raw nga mauuwi ang lahat sa 2018. Wala ba siyang takot magpakasal?

“Oo. Ganu’n pala yon, ‘no pag nandiyan na, iba pala yung ipinipilit kesa natural na dumadating. Kasi yung last ko, ipinilit ko kasi yon, eh.

“Marami akong gustong ipaglaban no’n. Marami akong gustong patunayan. Pero mali, eh. So, lahat ng nagsimula nang mali, natatapos nang mali. And lahat ng nagsimula nang tama, natatapos nang tama,” katwiran pa niya.

Ibinahagi rin ni Ai-Ai ang mga nakita niyang signs kay Gerald para masabing ito na nga ang lalaking pakakasalan niya.

“Unang-una, walang taong nega sa kanya except sa mga bashers. Pero yung sa pamilya ko ko, sa mga friends ko, sa mga kamag-anak ko, walang hindi magandang sinasabi tungkol sa kanya, puro positive, isa yon.

“Pero hindi niya alam yon. Mga feedback lang from me lalung-lalo na do’n sa mga pari kong kaibigan. Hindi naman pinaparinig sa kanya pero lahat sinasabi na napakabait ni Gerald.

“And then, siguro, siya lang sa lahat ng naging boyfriend ko o naging asawa ko na sinasamahan akong mag-novena every Wednesday. Ang center namin ay si God kaya siguro it works. Parati kaming nagdadasal and siguro yon yung sign,” pagtatapat ng Comedy Queen na balik-comedy film sa Our Mighty Yaya kasama sina Zoren Legazpi, Sofia Andres at marami pang iba under the direction of Jose Javier Reyes.

Showing na ang pelikula sa May 10.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN