Meet Binibining Pilipinas candidate number 32 Charmaine Elima

4/21/2017 8:36 AM | Updated as of 4/22/2017 6:28 PM
by: Kiko Escuadro

042117-BB32_PUSHMAIN.jpgIsa sa mga inaabangan sa Binibining Pilipinas ngayon ang isa sa mga frontrunners ng sikat na beauty camp na Aces and Queens si Charmaine Elima.

Isa si Binibining Candidate 32 sa mga top favorites ng mga local pageant website dahil sa transformation na kanyang ipinakita sa sa kanyang muling pagsali sa Binibining Pilipinas.

"We are training our Q and A as well as training with our mentor. At the same time we are on a diet," ani pa nito.

Dahil isa sa mga returnees ng pageant, nakikitang advantage ng kandidata ang kanilang mga naging experience sa pagsali muli sa Binibining Pilipinas.

"I think so, kasi we already have the previous experience. Parang we’re more relaxed, more chill because we already know what will happen. Kumbaga we already experienced all the activities of Binibining Pilipinas, compared with the beginners they don't have any idea on what will happen for each activity so I think that's our edge as a returnee," sabi pa nito.

Bukod dito, aminado na aktibo ang karamihan sa kanila sa social media, kung kaya hindi maiiwasan na isa sila sa mga paboritong i-bash. Pero para sa kandidata, mas focused siya ng pansinin na lang ang mga papuri ng kanyang mga supporters

"We have to be updated pa din siyempre and we have to reach with our supporters din kasi. And social media is the practical way to do that, but then we try not to read negative comments na lang just to make sure not to affect our feelings," pahayag pa ng kandidata.

Kung tatanungin naman at papalarin, nais ni Charmaine na masungkit ang Miss Universe crown upang i-represent ang Pilipinas sa susunod na Miss Universe competition.

Mapapanuod ang live coronation night ng Binibining Pilipinas ngayong April 30 sa ABS-CBN.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN