Jodi Sta. Maria on the possibility of working with Robin Padilla: ‘Sobrang excited ako’

4/20/2017 8:05 AM
by: Cristina Malonzo

042017-Jodi_PUSH.jpgSa TV Patrol, ibinalita na dalawang hunk naman ngayon ang makakasama ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa bago niyang pelikulang Dear Other Self. Makakasama niya sa pelikula sina Xian Lim at Joseph Marco. Biro ni Jodi, “siguro yun ang pinaka-aabangan nila no, ang paramihan ng pandesal.”

Iikot diumano ang pelikula sa buhay ng character ni Jodi na si Becky at ng isang malaking “what if” sa buhay niya. Ang biggest “what if” naman diumano ni Jodi ay, “What if naging duktor ako, siguro ibang iba ang buhay ko ngayon.”

Kinumpirma rin ni Jodi ang pagbabalik telebisyon niya ngayon taon, pero hindi pa siya makakapagbigay ng detalye kung makakatambal niyang muli si Richard Yap.

At sa ugong naman ng balita na makakatrabaho rin niya si Robin Padilla sa TV project na ito, ang sabi ni Jodi ay, “oh wow, well kung matutuloy man yan ano, sobrang excited ako. Sino ba naman ang ayaw makatrabao ang isang Robin Padilla di ba?”

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN