Beauty Gonzalez says she's still open to posing for men's magazines

4/20/2017 9:03 AM | Updated as of 4/20/2017 7:15 PM
by: Kiko Escuadro

042017-BeautyGonzales_PUSHMAIN.jpgExcited na ang kapamilya actress na si Beauty Gonzalez sa kanyang pagbabalik telebisyon sa upcoming teleserye na Pusong Ligaw.

Matatandaan na panandaliang napahinga si Beauty matapos ipanganak ang kanyang unang baby na si Olivia.

Sa kanyang pagbabalik, masaya ang aktres dahil sa all out support na ibinibigay sa kanya ang kanyang fiancé na si Norman Crisologo.

"Nakakatuwa kasi talagang todo ang suporta niya sa akin. Siya pa mismo ang nagsabi sakin na tanggapin ko lahat ng offers, kasi nga ‘di ba naudlot ako dati di ba? Ang sabi niya 'ipakita mo sa kanila lahat na you're back and you can do it' so suporta siya to the max na kahit sa mga clothes ko. Very stylist," ang natatawang niyang paliwanag.

Kuwento pa ng aktres, suportado din siya ng kanyang fiancé sa kanyang mga matitinding eksena kabilang na ang mga love scenes.

"Hindi naman ako tumutodo ng love scenes, kasi ako mismo nangi-nginig ako. Siyempre if it’s done nicely, sige. Pero siyempre hindi ko talaga kaya, pero sabi niya sa akin 'As long as mag-toothbrush ka pag-uwi mo at maligo ka, okay lang sa akin yun,’" sabi pa ni Beauty.

Aminado si Beauty na bilang isang ina, siya na mismo ang nagbigay limitasyon sa kanyang sarili pagdating sa mga proyekto na kanyang gagawin.

"Kapag may mga ganun (intimate scene) mag-text ako sa kanya (fiancé) at ipinapaalam ko. Tapos siyempre ako mismo may mga limitations na din ako bilang may anak na ako. Ayaw ko naman na mapanuod yun ng anak ko balang araw na andami kong hubaran ‘di ba?" paliwanag pa ng aktres.

Dahil itinuturing ngayon bilang isa sa mga 'hot moms' si Beauty, bukas pa din umano siya sa mga posibilidad ng pag cocover sa mga men's magazine ngunit sa isang kondisyon.

"Of course ready pa naman. Basta if it's done nicely, go lang. Hindi ko naman kaya yung bombastic ‘di ba? Basta maayos, why not ‘di ba? Siguro may kaunting bombastic, pero wag naman todo-todo (laughs) baka awayin ako ng anak ko," pagtatapos na pahayag ni Beauty.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN