Cholo Barretto says girlfriend Ryza Cenon is his ‘forever’

4/20/2017 8:59 AM | Updated as of 4/20/2017 11:26 AM
by: Leo Bukas

042017-CholoBarretto.jpgSix months pa lang ang relasyon ni Cholo Barretto sa actress na si Ryza Cenon pero para sa kanya ay seryosohan na ito. “Oo naman, seryoso kami pareho. Hindi naman kami tatalon sa isang bagay na hindi naman namin parehong kayang panindigan,” pahayag ni Cholo nang makausap namin siya sa presscon ng pelikulang Luck At First Sight.

Dagdag pa niya, “Wala naman po talaga sa pagkatao ko 'yung nagloloko. Masyado siyang mabait para magloko ako.”

Ayon pa sa kwento ni Cholo, six years ang pinakamatagal niyang relasyon. “Mga six years 'yung pinakamatagal ko. Lahat naman ng relationship ko, long-term. Pero hindi forever. Etong kay Ryza, six months pa lang pero alam kong forever na.”

Paano niya nasabing si Ryzza na ang kanyang forever? “Alam mo naman 'yun, kapag smooth ang relationship lalo na kapag merong mga pinagdaraanan pero pareho ninyong nalulutasan kaagad-agad. Alam mo nang 'yun na 'yon,” sagot niya.

Don ba sa six years niyang relasyon hindi niya naramdaman pang forever na ito? “Pinagdasal ko na forever, eh, hindi binigay ng Diyos, eh. Ngayon, alam ko na kung bakit, dahil si Ryza ang ibinigay ng Diyos pala,” rason niya.

Ano ang mga natutunan niya sa past relationship na naa-apply niya ngayon? “Lahat tayo we learned from our mistakes. Kung anong pagkukulang ko sa mga relationship ko dati, hindi naman akong perpektong tao, sinusubukan ko namang maging mabuting tao, one step at a time. 'Yun nga lang, siyempre, tao lang. Nagkakamali.

“Siyempre, kasama sa relationship 'yung mga temptasyon, 'yung mga ganyan. Kapag may mga temptasyon naman diyan, sipain na lang natin palayo 'yan,” pahayag ni Cholo.

Balak na ring ipakilala ni Cholo si Ryza sa ate Claudine Barretto niya kaya lang hindi raw magtagpo ang schedule ng dalawa.

Samantala, bukod kay Cholo, bida sa Luck At First Sight na ipapalabas sa May 3 sina Jericho Rosales at Bela Padilla. Ang pelikula ay sa direksyon ni Dan Villegas at produced ng Viva at N2 Productions.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN