Bela Padilla confirms sharing heartaches with Jericho Rosales

4/19/2017 10:30 AM | Updated as of 4/20/2017 9:06 AM
by: Kiko Escuadro

041917-Bela-Echo_PUSHMAIN.jpgBibida sa unang pagkakataon para sa pelikulang Luck at First Sight sina Jericho Rosales at Bela Padilla na nakatakdang mapanuod ngayong May 3 sa mga sinehan.

Sa panayam na ito, naging biruan ang naging relationship status ni Bela na from ‘In a Relationship’ ay naging ‘Single’ pagkatapos nilang maghiwalay ni business man Neil Arce.

Kuwento naman ng kanyang leading man na si Jericho, naging magkaibigan lalo sila ng aktres dahil sa madalas itong maglabas ng saloobin sa kanya dahil sa ang madalas silang magka-eksena.

“Alam niyo ba kapag may pinagdadaanan akong napakabigat? Lahat kasi nangyari habang ginagawa namin ang project na ‘to, and kapag nakikita ko si Echo yung face niya parang eto na naman mago-open up na naman ito,” pagbibirong kuwento ni Bela.

“Ambigat! Napagod ako sa inyo! Akala ko masayang pelikula ito!” pagbibirong pahayag naman ni Echo.

Bukod sa pagbuo ng pelikula, naging bonding din ni Echo at Bela ang nakaraang Coldplay concert.

“Nagkita kami doon kasama niya si Kim (Jones). Nilibre niya ako ng beer. Actually marami rin ako kasama nung nasa Coldplay concert ako. Lumipat-lipat din kasi ako,” sabi pa ni Bela.

Bukod sa pagiging lead actress, kasama rin si Bela sa creative at production team ng Luck at First Sight. Dito umamin si Bela na swak si Jericho sa karakter niya.

“When we were thinking of the concept, we couldn't think of anyone to play Joma (Echo’s character) kundi si Echo. We’re very, very thankful and lucky na pumayag siya,” ani pa ni Bela.

Pahayag naman ni Echo, masaya siya sa oportunidad na ito na ipinagkaloob sa kanya ng creative team ni Bela at ng pelikula dahil sadyang nag-enjoy siya sa kanilang pagtatrabaho.

“Pangarap ko ang ganito mga pelikula. Ganito gusto kong ginagawa, yung nage-enjoy lang ako, nagsasaya lang ako, yung walang bigat,” pagtatapos ni Echo.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN