Renan Morales reacts to Kris Aquino’s statements about ‘users’

4/19/2017 10:21 AM | Updated as of 4/20/2017 8:59 AM
by: Leo Bukas

041917-KrisAquino_PUSHMAIN.jpgIsa-isang nilinaw ni Nueva Ecija Councilor Renan Morales (anak ni Rhodora Morales na producer ng TV special ni Kris Aquino na ipinalabas sa GMA-7) ang mga naging pahayag ng actress-TV host patungkol sa kanya na lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) recently.

Unang nilinaw ni Renan sa video message na ipinadala niya sa entertainment writer at publicist nilang si Pilar Mateo ang tungkol sa diumano’y sinabi niya raw na “Kris is in-love with me.”

“Never ko pong sinabi ‘yun ever. At kahit po totoo man ito, hindi po kayang sabihin ng konsensiya ko ang mga ganitong bagay. It’s very inappropriate para magsabi ako ng mga ganitong bagay,” simula niyang pahayag.

Ginawan rin daw agad isyu ang pagpapadala nila ng flowers at balloon sa TV host.

“Noon pong nag-meet ang family namin and si Miss Kris, sobrang casual, very friendly. Ang ganda ng usapan namin. And, of course, nung nakuha na namin siya as an actress, nung nag-sign up siya with us, si Miss Kris naman, normal na pinapadalhan siya ng flowers, normal na pinapadalhan siya ng balloons ng lahat ng fans, ng lahat ng mga producer niya.

“So the moment po na nagkaroon kami ng business, nagkaroon kami ng agreement, so naging ano na po kami, nagkaroon kami ng harmony, may relationship na po na na-build, yung The Ultimate team and yung grupo ni Miss Kris… All-out support kami and open ‘to sa public kasi ipinu-post naman ito ni Miss Kris,” katwiran pa ni Renan.

Nagbigay din ng reaksyon ang dating car racer tungkol sa naging statement ni Kris na “super-use me in a sentence.”

“Actually po, siyempre nagulat lang po kami na merong ganoong isyu na ‘super-use-me-in-a-sentence.’ Hindi ko po… kasi po, hindi ko alam kung talagang siya ang nagsabi nito.

“Actually po, ako, nagtataka po ako kung nasabi ito ni Miss Kris kasi napakaganda po ng relationship ng mom ko and ni Kris. And talagang ang mommy ko, talagang sobrang naniniwala siya about the show, talagang ginawa niya, nagpursige, nagpagod po ang lahat ng team para mabuo itong #TripNiKris na show.

“Kaya po itong ‘use me’ na sinasabi ni Miss Kris, in general po ba ito na nagamit siya sa… Of course, siyempre nung hinire namin siya professionally as an actress, okay, para i-feature yung magagandang lugar sa Philippines.

“Number one nga po, ipinromote namin yung Nueva Ecija, since kami nga po ay taga-Nueva Ecija. So, in behalf of the whole Nueva Ecija, gusto naming ipakita sa buong Pilipinas na ang Nueva Ecija ay meron nang tourism, meron po kaming masasarap na pagkain at meron pong magagandang tanawin, safe pumunta sa aming bayan at maraming-marami pa po kaming gustong i-feature doon.

“So, kaya dun sa nagamit po siya, I believe, siguro sinabi niya ‘yun because of the fact na may mga tsismis na lumabas na nali-link kaming dalawa. So, yun po yung sa tingin ko na sinasabi ni Miss Kris,” paglilinaw pa ni Renan.

Maging ang tungkol sa isyu na nade-delay ang talent fee nila kay Kris ay sinagot na rin ni Renan.

“Full payment po ‘yan, nakalagay,” sabay pakita ng mga dokumento na kuha sa cellphone.

“Resibo po ito ni Kristina Bernadette C. Aquino. ‘Yan po, para makita naman ninyo. Kaya sa tingin ko, hindi niya sinabi na nade-delay kami ng bayad. Lahat po ito, before… April 9 po ang airing, ito po ay March 30,” sey pa niya.

Samantala, nag-apologize na raw si Kris sa mga sinabi nito. Tinatanggap daw naman nila ang paumanhin ng actress/TV host.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN