Meet the other Pinay ‘Kim’ in latest ‘Miss Saigon’ production

4/19/2017 10:18 AM | Updated as of 4/19/2017 11:38 AM
by: Jeff Fernando

041917-MissSaigon_PUSHMAIN.jpgIsa pang Filipino artist ang makakasama sa bagong Miss Saigon production na magsisimula ngayong July. Siya si Aynrand Ferrer, Conservatory of Music graduate mula sa UST.

Second understudy siya para sa main character na "Kim" at bahagi rin ng overall ensemble. Naka-base na siya sa London at nahasa na siya sa training sa West End theater productions kasama na ang The Pirates of Penzance.

Nag-audition si Aynrand sa 2015 production ng Miss Saigon sa Broadway pero nabigo na makuha dito. At ngayon sa kanyang pangalawang subok ay nakuha na niya at pumasa sa auditions.

Ayon sa interview ni Ferrer na lumabas sa Varsitarian ng UST, pinaghalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman.

“It was nerve-wracking and tedious. I remember singing the song ‘I’d Give My Life For You’ five times because [the casting directors] were finding a specific emotion [for the character] to portray on certain lines,” sabi ni Aynrand.

Magsisimula na ang rehearsals ng bagong production ng Miss Saigon sa July 3 sa Leicester, England.

Ang Miss Saigon ay isang Tony Award-winning musical na likha ng composer na sina Claude-Michel Schronberg at librettist Alain Boublil kung saan nakilala worldwide ang Filipino artists na sina Lea Salonga, Monique Wilson, at marami pang iba. Inaasahan na ito rin ang magiging kapalaran ng mga kababayan natin na kasama sa latest production na ito.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN