Meet Binibining Pilipinas candidate Number 7 Jennylyn Carla Malpaya

4/19/2017 10:08 AM | Updated as of 4/19/2017 10:30 AM
by: Kiko Escuadro

041917-BBNO7_PUSHMAIN.jpgInspirado ang Bulakenya beauty na si Binibining Pilipinas candidate number 7 Jennylyn Carla Malpaya sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas sa ikalawang pagkakataon.

Bahagi ng kilalang pageant camp na Aces and Queens si Jennylyn na pinagmulan ng mga winners ng Pilipinas mula sa Miss International, Miss World, at Miss Universe.

Gaya ng ibang kandidata, kasama sa mas pinaghahandaan ngayon ni Jennylyn ang Question and Answer portion.

"I need to eat a lot to gain weight, I'm not on a diet but aside from that, we are also focused on [the] Question and Answer portion kasi from previous Miss Universe pageant its more Q&A than the ramp."

Bilang isa sa mga returning candidate, aminado si Jennylyn na may advantage silang mga returnee dahil sa mas napapaghandaan na nila kung ano ang kanilang dapat na gagawin.

"It's an advantage, kasi for me, I'm just easy going pa noon, I just go with the flow lang I don't know what to do, I don't know what to prepare but now, I'm more prepared I know what to do with other activities," ani pa nito.

Dahil sa mataas na interest ng mga Pinoy ngayon sa mga beauty pageant at social media, kuwento ng kandidata na kasama sa kanilang training ang hindi na magpa-apekto sa mga hate comments na kanilang mga natatanggap.

"Personally I don't read, kasi instead of reading comments on social media, I try to catch enough sleep nalang para mas ready ako next day. I post, I reply, and after that, I sleep na."

Kung papipiliin naman ng korona, naiba ang sagot ng Bulakenya beauty dahil mas nais nito na maging kinatawan ng Miss Grand International.

"I want Miss Grand International, I want Miss Grand International kasi for me it has the same level of competition with Miss Universe and I like their advocacy and their pageant activity is very unique," pahayag pa nito.

Mapapanuod ang live coronation night ng Binibining Pilipinas ngayong April 30 sa ABS-CBN.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN