Bela Padilla reacts to rumors her ex-boyfriend Neil Arce is dating Angel Locsin

4/18/2017 11:50 PM | Updated as of 4/19/2017 10:28 AM
by: Push Team

041817-BellaAngel_PUSH.jpgMainit ngayong pinag uusapan sa social media ang di umano pag mamabutihan ng Kapamilya actress na si Angel Locsin at ng business man at ex-boyfriend ni Bela Padilla na si Neil Arce.

Nag-umpisang uminit ang balita matapos maglabasan ang ilan sa mga larawan ng aktres mula sa katatapos lang nitong bakasyon sa Hong Kong nitong nagdaang Holy Week.

Kasama ni Angel sa bakasyon ang ilan sa kanyang malalapit na kaibigan, at spotted din sa isang larawan sa social media na kasama sa grupo si Neil.






Samanatala, Sa grand movie press conference ng upcoming movie ni Bela Padilla at Jericho Rosales na “Luck at First Sight” ng Viva films, naitanong natin sa former girlfriend ni Neil kung alam ba niya ang pagmamabutihan o ang pag di-date umano ni Angel at Neil.

"Actually, alam ko naman na nagdi-date na si Neil," unang pagbabahagi ni Bela.

"I didn't ask for specifics, but I'm aware that he's already in the dating scene," dagdag pa nito.

Paglilinaw pa ni Bela, labas na siya sa personal na buhay ng kanyang ex at wala na siyang say kung sino na ang bagong dine-date nito.

"I'm okay with that. Super," sambit ni Bela.

Nang naitanong kung alam ba niya na si Angel ang bagong dine-date ng kanyang ex, mas minabuti ni Bela na hindi na mag-comment pa dito.

 “No, no. I'm not sure if I'm allowed to answer these questions because he's right there, and he firmly told me not to answer questions about him," pahayag ni Bela.

Sinubukan din natin na hingan ng pahayag si Neil Arce na present din sa press con bilang isa sa mga producers ng pelikula ngunit, mas pinili nito na huwag nang magsalita pa sa issue.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN