Lotlot de Leon speaks up on rumored Janine Gutierrez-Rayver Cruz relationship

4/18/2017 10:55 AM | Updated as of 4/19/2017 10:19 AM
by: Jeff Fernando

041817-Lotlot_PUSH.jpgPagkatapos ng press preview ng pelikulang 1st Sem ay sinagot ni Lotlot de Leon ang mga tanong namin tungkol sa anak niyang si Janine Gutierrez.

Unang tanong namin kay Balot ay kung paano niya tinulungan ang anak na mag-mend ng broken heart nu’ng maghiwalay sila ni Elmo Magalona.

Sey ni Lotlot, “Sabi ko, ‘Okey lang yan. Lilipas din yan.’ Ganu’n talaga, eh, kasi kahit naman ako, magulang ako, nakikita mo yung anak mo na ’eto yung ginagawa, dito nai-inlove.

“These are the choices in life that they make, there’s only so much you can do as a parent. So yung sa akin, pangaral. Ngayon nasa sa kanila yon kung tatanggapin nila yon o hindi.”

Patuloy pa ng aktres, “And then, sinasamahan ko na lang ng madaming dasal kasi eventually, I know that she’s a smart girl, but pagdating naman sa puso lahat naman tayo… minsan sumasaliwa, eh, di ba?

“So, naiintindihan ko yon and it was a path that she had to take in order for her to grow as a person, so okey na rin yon,” paliwanag ng bida ng 1st Sem.

Nagbigay din ng reaksyon si Lotlot tungkol sa kung anumang relasyong namamagitan ngayon sa anak niya at kay Rayver Cruz.

“Basta kung saan siya masaya. Basta maligaya siya, okey lang sa akin. Wag lang nakikita ko yung anak ko na nasasaktan,” sabi pa niya.

“Ganu’n pala yon, ‘no, bilang magulang pag nakita mo yung anak mo, yung anak mo na nasasaktan, you feel so helpless. You really feel helpless.

“Parang wala kang… Hindi ka makagawa ng paraan para tumigil yung sakit na nararamdaman niya. So kapag masaya sila, mas masaya ako,” dagdag pa ni Lotlot.

Boto ba naman siya kay Rayver?

“Kilala ko naman si Rayver ever since dahil nakasama ko si Rayver sa Spirits (ABS-CBN series). So I knew of Rayver since before. And kahit na matagal kaming hindi nagkikita, kapag nagkikita kami ulit, parang kahapon lang.

“He’s a good person. He’s a good boy. Whatever happens to him, ngayon magkaibigan sila ni Janine, I don’t know what their plans are or what his plans are, maybe siya yung dapat tanungin natin.

“Kasi ako, kung saan lang masaya yung anak ko – kahit personal or career-wise do’n ako,” rason pa niya.

Samantala, walang pakialam si Lotlot kahit baguhan ang mga director niya sa pelikulang 1st Sem na sina Dexter Hemedes at Allan Ibanez.

“Sa 1st Sem, ang unang kong nakita yung script bago ko nakita yung dalawa kong director. But after reading the script, I immediately fell in love with the story and I said yes.

“So hindi ko na inalam kung ano yung background (ng mga director). Ang alam ko lang pangalan nila and I know that they’re writers. I had that gut feel that it’s a really good project and I want to be part of it,” paliwanag ng magaling na aktres.

Showing na nga pala ang 1st Sem sa April 26.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN