Beauty Gonzalez admits being nervous about role in ‘Pusong Ligaw’

4/18/2017 10:38 AM | Updated as of 4/18/2017 11:50 PM
by: Kiko Escuadro

041817-BeautyGozalez_PUSH.jpgKasado at ready na ang teleserye na pagbibidahan nina Bianca King, Joem Bascon, Raymond Bagatsing, at Beauty Gonzalez na Pusong Ligaw na nakatakdang mapanuod sa unang linggo ng Mayo.

Sa naganap na press launch nito kamakailan, aminado ang isa sa mga bida nito na si Beauty Gonzalez na magkahalong nerbiyos at kaba ang kanyang nararamdaman ngayon sa kanyang pagsabak sa aktingan.

"First and foremost ninerbyos ako but I'm ready to take the challenge and I will take the challenge at gusto kong makita ako ng ibang tao bilang kakaibang Beauty Gonzalez," bungad ng aktres.

Kuwento ni Beauty, kabilang sa kanyang paghahanda ang muling pag sailalim sa iba't ibang acting workshop para magampanan ng tama ang kanyang karakter.

"Nag workshop po ako, nagpatulong po ulit ako sa workshop kasi its been a year nung nagpahinga ako and I'm thankful kasi, everyone is willing talaga to help me."

Dahil sa panandaliang pagpapahinga ni Beauty, aminado ang aktres na malaki ang kanyang pasasalamat sa muling pagtitiwala na ibinigay sa kanya ng management.

"Hangga't maari ayaw ko talaga tumanggi sa trabaho, kasi gusto ko tong gawin e. As long as kinukuha nila ako, why not? At ang laking pasasalamat ko don," sabi pa ni Beauty.

Dahil sa nalalapit na ang kanyang pakikipag isang dibdib sa kanyang fiancé na si Norman Crisologo, kuwento ni Beauty kayang-kaya na niya ang pagsabayin ang kanyang mga responsibilidad sa sarili at responsibilidad bilang isang mommy at maybahay sa kanyang pamilya.

"As of now nagawa ko naman lahat, being a mom, being a housewife, being an actress and also being myself nagawa ko naman na siya lahat at hindi pa ako nababaliw, kaya ko na," pagtatapos na pahayag ni Beauty.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN