Sharon Cuneta posts final tribute to Willy Cruz

4/17/2017 3:00 PM | Updated as of 4/18/2017 10:55 AM
by: Jeff Fernando

041717-SharonCuneta.jpgSa pag panaw ng sikat na composer na si Willy Cruz, ilan sa mga malalapit na kaibigan ng batikang composer ang nag paabot ng kanilang pag dadalamhati sa pamamagitan ng kanilang mga social media account.

Kabilang na si Sharon Cuneta na kilalang malapit sa composer dahil sa mga likhang awitin nito para sa kanya, gaya na lang ng ilan sa mga sikat na awitin na “Bituing Walang Ningning,” “Pangarap na Bituin” at marami pang iba.

Sa kanyang Facebook post, sinariwa ni Sharon ang mga linya sa mga awitin na ginawa para sa kanya nng batikang composer.

"My Willy Cruz...my Willy has left me," malungkot na panimula ni Sharon sa kanyang letter.  

"My dearest, I have no words...only tears...and gratitude...and love...what kills me is you didn't have to go this soon...I will love you forever," dagdag pa nito. 

041717-SharonCunetafinal.jpg

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN