Composer Willy Cruz passes away at 70

4/17/2017 10:27 AM | Updated as of 4/18/2017 10:38 AM
by: Jeff Fernando

041717-Willy_push.jpgPumanaw na sa edad na 70 si Eilfredo Buencamino Cruz na sumikat at nakilala na batikang composer ng OPM sa pangalang Willy Cruz.

Siya ang conposer ng mga di malilimutang classic OPM songs, na karamihan ay naging basehan at title ng mga pelikula, gaya ng "Butuing Walang Ningning," "Sana’y Wala Nang Wakas,” "Kahit Na," "Ikaw Pa Lang Ang Minahal," "Init Sa Magdamag," at "Ano Ang Kulay Ng Mukha Ng Diyos"

Dahil sa kanyang mga obra, naging malapit si Willy sa OPM legends na sina Sharon Cuneta, Nora Aunor, Hajji Alejandro, Pilita Corrales at marami pang iba.

Ipinanganak January 30, 1947 sa San Miguel, Manila, nagkuluksa ngayon ang OPM sa pagpanaw ng isang haligi sa local music scene. 

Sa kanilang social media accounts nagbigay ng mensahe ng pakikiramay at tribute ang ilang singers at performers sa pagpanaw ni Willy.

Para kay Noel Cabangon, ang mga awitin nilikha ni Willy ang humaplos at sapul sa puso ang mga mensahe sa mga Filipino.

"Today we lost a brilliant, masterful and romantic songwriter. His music captured the heart of every Filipino," ayon kay Cabangon.

Para sa Broadway pa na si Lea Salonga, hindi mapapantayan ang mga contribution ni Willy Cruz sa local music scene.

041717-Willy1.jpg

Mentor at malaking bahagi ng music career ni Jim Paredes si Willy Cruz na kanyang pinasalamatan.

041717-Willy2.jpg

Nagluluksa rin ang OPM singer na si Lea Navarro sa kanyang tweet.

041717-Willy3.jpg

Nakiramay din si Jed Madela at sinabing naging malaking bahagi ng buhay niya ang mga awitin ng composer. 

041717-Willy4.jpg

Nagpost din ng pagdadalamhati ang singer-composer na si Ogie Alcasid. 

041717-Willy5.jpg


Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN