EXCLUSIVE: Janella Salvador says she’s excited to work with Joshua Garcia in ‘Kung Kailangan Mo Ako’

4/13/2017 7:00 AM
by: Leo Bukas

041317-JanellaSalvador_PUSH.jpgMasayang ikinuwento ni Janella Salvador na finally ay matutuloy na rin ang pagsasama nila ni Joshua Garcia sa teleserye ng ABS-CBN na Kung Kailangan Mo Ako.

 

“I’m excited to work with Joshua kasi nga ang dami niyang good reviews na nakukuha. And he seems like a nice guy naman. So excited ako na ka-work siya.

“Actually, he was supposed to be part of Born For You, he was supposed to be the third wheel but he had to work for The Greatest Love kaya hindi natuloy,” simulang kuwento ni Janella.

Kasama ni Julia sa Kung Kailangan Mo Ako ang ka-love team na si Elmo Magalona. Nasa cast din si Joshua noon ng Bloody Crayons pero nang magpalit ng cast ay hindi na siya na-retain.

“Oo nga raw. Pero hindi ko siya naabutuan don… sila ni Julia (Barretto). Pero nag-roll na sila dati tapos hindi rin natuloy,” sey pa ng dalaga.

Hindi naman maiwasang pagkumparahin sina Joshua at Elmo lalo na kapag pag-arte na ang pag-uusapan. Ano kaya ang reaksyon dito ni Janella?

“Hindi talaga maiiwasan yon. I’m sure naman God has a plan kung ano man yung mag-work out. I’m going to be happy naman whatever happens kasi sobrang ganda nung project na binigay and we’re just all going to do our best.

“Si Elmo, talagang tina-try din naman niyang gawin yung best niya. Aware naman siya sa sinasabi ng iba about him. Tapos he’s really working hard now. Gusto niyang mag-improve talaga,” katwiran pa niya.

Nagbigay din ng reaksyon si Janella sa nagsasabing malapit na rin niyang ma-achieve ang level nina Liza Soberano at Kathryn Bernardo.

“Sana, pero ayoko din naman i-compare yung… Feeling ko, magkakaiba kami ng path.

“So kung hindi man ako, maging kasing ano ni Kath or ni Liza, feeling ko naman I’m happy kasi I have my own,” rason pa ng dalaga.

Hindi rin daw siya conscious sa title na ikinakabit sa kanya like OPM Pop Sweetheart or Young Superstar.

“Hindi ko alam kung deserve ko na magka-title, pero kung ibigay sa akin, eh, di flattered, good. But I’m not expecting,” pagtatapos ni Janella.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN