Daniel Padilla and Kathryn Bernardo reveal their ideal age to get married

4/12/2017 9:14 AM
by: Kiko Escuadro

041217-KathNiel_PUSH.jpgAll smiles sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang nakapanayam namin sila sa press conference ng kanilang upcoming movie na Can't Help Falling in Love.

Dito gaganap bilang married couple ang KathNiel sa unang pagkakataon. Dahil dito, inilarawan sila ng kanilang fans at ng kanilang direktor na si Mae Cruz Alviar na acting their age.

Dahil sa nag-level-up na nga ang kanilang mga roles, naitanong din natin sa KathNiel kung ano para sa kanila ang ideal age para magpakasal.

"Siguro mga 28 years old. Mga ganun," ani ni Kathryn.

Para naman kay DJ, "Mga 28 years old din, kasi ayaw ko ng masyadong late din kung magpapakasal na talaga, wag masyado late."

Bukod dito, sabi ni DJ na ipapaubaya niya sa kanyang bride-to-be ang pag-aayos ng kanyang dream wedding.

"Siguro bahala na yung soon-to-be-bride kung ako ang ideal wedding para sa kanya," pagbibiro pa ni DJ.

Para naman kay Kathryn na aminadong mahilig sa beach, gusto daw niya ng beach wedding.

"Siguro beach wedding," sabi pa ni Kathryn.

Pagbibirong pahayag naman ni DJ na gusto din umano niya na gawing dalawa ang wedding ceremony kung sakali.

"Siguro mga dalawang wedding yun, kasi gusto ko lahat ng mga kaibigan ko at ibang fans present sa wedding ko. Gusto ko kasi makita nila yun kasi andyan sila all throughout ng career ko at hindi sila nawala so masaya kung andon sila," sabi pa nito.

Sa ngayon, paglilinaw ni Kathryn at Daniel, hindi pa sumasagi sa kanilang pag-iisip ang mga plano ng pagpapakasal.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN