EXCLUSIVE: Baron Geisler denies rumors that he’s financially affected by PAMI’s suspension

4/12/2017 9:12 AM
by: Leo Bukas

041217-BaronGeisler_PUSH.jpgAlmost three months ago na ang nakakaraan nang pumanaw si Grace Geisler, ang butihing ina ng aktor na si Baron Geisler, pero hanggang ngayon ay nahihirapan pa ring mag-adjust ang aktor na bunso sa kanilang magkakapatid.

“Baka isang taon yung adjustment. Hindi rin naman ganu’n kadali yon,” pahayag sa amin ni Baron.

“Somehow, nakaka-adjust. Wala naman tayong magagagawa eh, kinuha na siya ni God, eh.

“Kailangang maging matatag na,” dagdag pa niya.

Madalas din daw niyang ma-miss ang ina.

“Minsan nahihiga ako sa kama niya kasi sobrang nami-miss ko siya. Pakiramdam ko nayayakap niya ako,” bulalas pa niya.

Okey din naman ang kanyang personal at social life.

“Hindi naman ako nagpapakawasak o nagpapakagago. Andon pa rin, classy pa rin yung approach,” sey pa ng aktor.

Hanggang ngayon ay suspendido pa rin ng PAMI ang aktor sa kontrobersyang nangyari sa kanila ni Ping Medina sa syuting ng isang pelikula.

“Hindi ko siya naiisip sa ngayon, although, nami-miss kong umaarte. Almost 6 months na rin… Sabihin nating I’m taking a break din.

“Pero may mga ginawa naman ako last year na hindi pa lumalabas so ilalabas siya this year… I ‘m still here sa industriya. May dalawa akong malaking project na gagawin this year,” kuwento niya.

Halatang hindi naman apektado si Baron financially ng PAMI suspension.

“May pinamana naman sa amin si mommy. Pero mahal ko yung trabaho ko at ang pag-arte kaya yon ang sobrang nami-miss ko,” sey pa ni Baron.

Samantala, naikuwento rin sa amin ni Baron na in the next few months ay bibili siya ng bahay sa Pampanga. Gagamitin daw niyang collateral ang nabili naman niyang lupa sa Batangas.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN