Bianca King willing to work again with ex-boyfriend Patrick Garcia

4/10/2017 2:16 PM
by: Jeff Fernando

041017-BiancaKing1_PUSH.jpgKinakabahan pero looking forward pa din ang bagong Kapamilya star na si Bianca King sa mga bagong oportunidad at projects na kanyang gagawin sa ABS-CBN.

Buena mano sa assignment ni Bianca ang upcoming teleserye na "Pusong Ligaw " kung saan makakasama niya si Beauty Gonzales at ang tambalang Diego Loyzaga at Sofia Andres.

"The excitement is there but more than that I’m overwhelmed with the way everybody works here," pahayag pa ng aktres

Naka move on na rin si Bianca sa ex-boyfriend na si Patick Garcia at ani pa ng aktres willing na rin siya na makasama itong muli bilang ka trabaho.

“As a working actor and at my age now, I’m not young anymore. I love to keep myself open to a lot of opportunities,” dagdag pa niya.

Kuwento pa ni Bianca, Marami ang makaka-relate sa kuwento ng "Pusong Ligaw," na istorya ng dalawang magkaibigan na may simpleng mga pangarap sa buhay.

“Susundan niyo iyung journey mula teenagers hanggang magkaroon na kami ng anak so from best friends magkakaroon kami ng conflict,” sabi pa ni Bianca.

Abangan din ang maraming mga eksena nila Beauty at Bianca sa "Pusong Ligaw," na siguradong hahangaan ng manonood ang kanilang talento sa pag arte.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN