Beauty Gonzalez denies Ellen Adarna and John Lloyd Cruz are a couple

3/26/2017 10:10 AM | Updated as of 3/26/2017 10:10 AM
by: Kiko Escuadro

032117-BeautyGonzalezl_PUSH.jpg

Present ang ilan sa malalapit na kaibigan ng aktres na si Beauty Gonzalez sa naganap na surprise engagement party nito kamakailan sa future husband nito na si Norman Crisologo sa isang pribadong lugar sa Ilocos.

Dumalo ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Beauty at Norman kabilang si Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na nabibigyan kulay ang pagkakaibigan.

Sa panayam na ito kay Beauty sa pictorial ng kanyang upcoming project, nilinaw ni Beauty na magkaibigan lamang si John Lloyd at Ellen.

"John Lloyd si friend of my fiancé na matagal na and Ellen is our friend. That time kasi na mag-propose si [Norman] gusto niya na andon yung mga friends niya na alam yung love story naming dalawa. But nothing is going on naman with John Lloyd and Ellen magkaibigan lang talaga," paliwanag ni Beauty.

Dahil napapalibutan ng mga admirer ang kanyang kaibigan na si Ellen, pabirong nagbigay payo din si Beauty para dito.

"Prayers lang yan. Totoo. Good things happen to good people. Lagi ko namang sinasabi sa kanya na ‘You’re a good person. It will come to you. Huwag ka masyadong atat. Mag-study ka muna diyan ng calculus tapos turuan mo ako after,’" saad ni Beauty.

Bilang kaibigan, hangad din ni Beauty na gaya niya ay matagpuan na din ni Ellen ang right person na makakasama niya habang buhay.

"Wish ko talaga kay Ellen is makita na rin niya yung lalaki para sa kanya. As a girl, yun naman ang pangarap namin," patapos na pahayag ni Beauty.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN