Lorna Tolentino returns to ABS-CBN via new TV series “Victims of Love”

3/16/2017 9:14 AM
by:

Isa si Lorna Toletino sa main cast ng bagong teleseryeng Victims Of Love na ini-announce ng Dreamscape kamakailan. Sa nasabing serye, makakasama ni Lorna sina Angelica Panganiban, Julia Montes, Paulo Avelino, Cherry Pie Picache at JC Santos. 

Inamin ni Lorna na kinakabahan siya sa muli niyang pagbabalik sa ABS-CBN. It's been 5 years nang huli siyang napanood sa isang teleserye sa ABS-CBN, ito ay sa Minsan Lang Kita Iibigin kasama sina Coco Martin, Maja Salvador, Amy Austria at Andi Eigenmann.

Inamin ni Lorna na matagal na niyang gusto bumalik sa ABS-CBN. It was only when she was offered Victims of Love, na naganap ang kanyang pagbabalik.

"Happy ako," sambit ni Lorna.

031617-LornaTolentino_PUSH.jpg"Even when the time I left naman, I told myself, gusto ko pa ding gumawa ng serye sa ABS-CBN. Natagalan lang. But I did a movie naman with Star Cinema, yung sa KathNiel.

At sa kanyang pagbabalik, ano nga ba ang inaasahan niya?

"I expect na challenging pa din, as always. With the role presented to me, talagang nakaka challenge. Kasi ang huhusay ng mga makakasama ko. May ilan sa kanila na first time kong makakatrabaho kaya challenging and excited as well.

"Marami din kasi akong kaibigan talaga sa ABS. Kahit noong umalis ako, hindi nawala ang friendship na yun. Hindi ko binalewala yung friendship with all of them. 

"Eto nga, bagong family na naman ang halos makakasama ko araw-araw sa taping. I am happy to be back and I am so excited.

Hindi pa completely ma pulge ni Lorna ang kanyang magiging role. "Kaka-storycon pa lang kasi namin. But kapag nakapagsimula na kaming mag taping, marami na akong maikuuwento.

Ang Victims of Love ay ididirek ni Onat Diaz. Isa itong original story ng Dreamscape Entertainment.


Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN