Joseph Marco says his attention is on Maja Salvador now

3/10/2017 10:19 AM
by: Leo Bukas

031017-JosephMarco_PUSH.jpgSa pelikulang Pwera Usog na kasalukuyang palabas sa mga sinehan ay si Sofia Andres ang kapareha ng hunky actor na si Joseph Marco. Joseph is 28 years old at si Sofia naman ay 18 lang, pero kahit 10 years ang age gap, kinakitaan ng chemistry ang dalawa sa pelikula.

“Hindi raw halata na 10 taon ang tanda ko kay Sofia,” natatawa niyang pahayag nang makausap namin siya after ng advance screening ng Pwera Usog.

Patuloy pa ni Joseph, “May mga nagsabi kanina na nakita nila ‘yung versatility ko bilang isang aktor kasi from 28 to 18, nakasabay ako du’n sa mga… ang babata ng kasama ko, ha?

“So thankful naman. Saka alam n’yo, na-enjoy kong katrabaho ‘yung mga bata. They’re so hungry, they want the best, makikita mo talagang wow, ang sarap katrabaho ng mga bata, ang dami nilang gustong matutunan, talagang willing silang gawin ang mga bagay na kailangang gawin.”

Ibinulgar din ni Joseph na may isang eksena sa pelikula na para mas maging makatotohanan daw ay uminom pa talaga ng alak si Sofia.

“Meron kaming isang eksena du’n sa bar ni Sofia, na sumusuka siya, kailangan lasing siya. Uminom talaga siya. Ang professional nitong bata. Nakita ko sa kanya kung gaano niya kagustong matuto, kung gaano siya ka-professional,” kuwento ni Joseph.

Naku, baka naman ma-link na siya niyan kay Sofia?

“Bata pa yon. At saka hindi ako mahilig sa bata. Mas gusto ko yung mas matanda sa akin. So kung 28 ako ngayon, puwedeng 30 hanggang 35 siguro yung girl,” depensa niya.

Kahit hindi raw nali-link kay Sofia si Diego Loyzaga ay hindi rin niya liligawan ang dalaga.

“Parang kapatid ko na lang siya. Hanggang do’n lang yon. Walang malisya… Kaya nga kung sino yung manliligaw sa kanya tapos papaiyakin lang siya, lagot sa akin,” sey pa niya.

Eh, kumusta naman ang kanyang love life?

“Naku, paano ako magkaka-love life, eh, sobrang busy ko ngayon. Pero may nakikita akong puwede… kaya lang, masyado pang maaga para magparamdam sa kanya.”

Nahalata namin sa mga gestures ni Joseph na si Maja na kasama niya sa Wildflower ang babaeng tinutukoy niya.

“Yung atensyon ko, na kay Maja ngayon,” pag-amin ni Joseph.

“Habang ginagawa namin ang Wildflower, naa-amaze ako sa kanya bilang sobrang hardworking niyang babae, sobrang bait niya. Parati siyang nagbibigay ng food, ang galing niya umarte, ganu’n siya kaganda. Sino ba namang hindi magkakagusto?” hirit pa niya.

Pero ayaw niya raw madaliin ang mga bagay-bagay.

“Who knows, baka one day, baka magparamdam ako sa kanya,” kinikilig na pahayag ni Joseph.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN