Richard Yap looking forward to working with Jodi Sta. Maria again

3/1/2017 5:15 PM | Updated as of 3/1/2017 5:15 PM
by: Kiko Escuadro

022817-RichardYap_PUSH.jpgMuling nag-renew ng contract ang kapamilya leading man na si Richard Yap nitong weekend, kasama nila Piolo Pascual, Sam Milby at iba pang mga Star Magic Artist. Excited si Richard para sa mga projects na naka-abang para sa kanya.

Patikim na kuwento ni Papa Chen, kabilang ang pelikula at ang kanyang pagbabalik Teleserye sa mga dapat abangan sa kanya.

"Movie and teleserye.... Sa ngayon ayun pa lang ang pwedeng sabihin," nakangiting pahayag ni Richard.

Hindi pa man malinaw kung magbabalik tambalan na sina Richard at Jodi Sta. Maria, looking forward pa din daw si Papa Chen na makatrabaho muli ang aktres. v "Hindi pa namin pwede I confirm or deny, hindi pwede mang galing sa akin kung siya ba o hindi. It’s always fun to work with her [Jodi Sta Maria]. We feel comfortable with each other of course we'd like to work each other again," sagot ni Richard.

Sinagot din ni Richard ang pagkukumpara sa kanila ni Ian Veneracion. Aniya masaya sila dahil may mga sari-sariling proyekto sila.

"I don't know, siguro it's the people pitting us with each other maybe because we have the same leading lady… As far as I’m concerned siguro that’s what they think. Pero between me and Ian Veneracion, we’re friends. We don't really talk about projects and all that. He has his projects and I have my own project."

Paliwanag pa ni Richard, marahil ang karamihan ay nadadala lang ng emosyon sa kanilang mga karakter na ginagampan kung kaya labis ang pagkukumpara sa kanila.

"Siguro when they put us together in a film siguro we need to act like we're competing. There's enough projects for both of us naman kasi, for me I think kay Ian din it's not an issue," pagtatapos ng actor.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN