Donnalyn Bartolome reacts to rise of more social media stars

2/23/2017 8:40 AM | Updated as of 2/23/2017 9:51 AM
by: Kiko Escuadro

022317-DonnalynBartolome_PUSH.jpgFresh at kaabang-abang ngayon ang bagong love team na nabubuo nina kilalang online sensation na si Donnalyn Bartolome at kapamilya hunky teen actor na si Paul Salas.

Sa naganap na blogcon ng upcoming online movie produced ng Viva Films na Happy Break Up, ikinuwento ni Donnalyn ang kanyang excitement sa outcome ng kanyang proyekto.

"I got emotional nung natapos na ang movie kasi matagal ko ng pangarap na maibigay ito sa mga fans. Kasi para sa akin, this is my way of giving back to them after being launched sa YouTube for a very long time," masayang panimula ni Donnalyn.

Kuwento pa ng dalaga, personal concept niya ito at laking pasasalamat niya sa Viva management dahil pinagkatiwalaan siya na maisakatuparan ang proyektong ito.

"One year ago pinag-uusapan yung idea. I conceptualized the movie, I wrote the script for three months, and happy ako sa outcome," ani pa ni Donnalyn.

Bukod dito, nagbigay komento din si Donnalyn sa mga rising online sensation. Ani ng dalaga, hindi niya ito nakikita bilang ka-kompitensya.

"Siguro sa ibang tao they find it competition, pero actually I'm happy for them kasi I know how it feels to be na nung umpisa hindi ka pinapansin, pero dahil sa social media pinapansin ka at may importansya ka ngayon. So I'm very happy for them."

Dahil isa si Donnalyn sa mga aktibong celebrity sa social media, deadma naman ang dalaga sa mga bashers na nakapaligid sa kanya.

"Okay lang kasi for me, ako din naman kasi mayroon din naman mga artista na hindi ako masyadong impressed sa artista pero ang daming fans. Kaya sa tingin ko preference lang talag ng mga tao, kaya parang normal lang talaga sakin na andyan sila [bashers]," pagtatapos niyang kuwento.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN