Throwback Thursday: 1994 Miss Universe Highlights

1/26/2017 3:30 PM
by: Jeff Fernando

012617-MissU_PUSHPIN.jpg

Dahil trending topic ang 65th Miss Universe at magaganap na sa Lunes ang coronation program, napapa-throwback ang fans sa 1994 Miss Universe pageant na naganap din dito sa Pilipinas at nag-iwan ng maraming magagandang alaala sa prestigious beauty search.

Naganap noong May 21,1994 sa PICC Plenary Hall ang 43rd Miss Universe pageant na may 77 delegates mula sa iba’t ibang bansa.

Ito ang first time na pagsali sa pageant ng Russia, Slovak Republic at Zimbabwe. Hindi naman nagpadala ng representatives ang mga bansang Austria, Belize, Czech Republic, Ghana, Suriname, Lebanon, Nicaragua, US Virgin Islands, Lithuania at Indonesia.

Sa special awards, nasungkit ni Barbara Kahatjipara ng Namibia ang Miss Congeniality at si Miss Philippines Charlene Bonin-Gonzales ang Best in National Costume. Reigning queen noon si Dayanara Torres, na mula Puerto Rico, at dito na nag simula ng kanyang career bilang sikat na personalidad sa Pilipinas.

Kabilang din sa nagkaroon ng showbiz career sa bansa ay sina Miss Australia Michelle Van Eimerren at Miss Mauritius Viveka Babajee.

Isa sa mga special numbers noon ay ang pagsayaw ni Dayanara ng “A Whole New World” habang kumakanta ang international singer na si Peabo Bryson.

Sa pagpili ng top ten semi-finalists, malakas na sigawan ang lahat nang matawag ang Miss Philippines sa listahan.

Markado rin ang sagot ni Charlene sa tanong kung ilang isla mayroon ang Pilipinas na sinagot niya ng "High tide or low tide?" Memorable din ang winning answer ni Miss India Sushmita Sen sa tanong na "What is the essence of being a woman?"

Suspense ang pagre-reveal ng winners ng coronation show – nakuha ni Miss Venezuela Minorka Mercado ang Second Runner Up, si Miss Colombia Carolina Herrera ang First Runner Up at si Sushmita ang kinoronahan na 1994 Miss Universe.

Ngayon 22 years after, magaganap muli ang 65th Miss Universe pageant sa bansa at nandito muli sina Dayanara Torres at Sushmita Sen na kasama sa judges ng prestigious pageant.

Photo credit: Missosology.org

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN