Awra is thankful to Coco Martin and Vice Ganda for their guidance

12/15/2016 10:09 AM | Updated as of 12/16/2016 9:46 AM
by: Jeff Fernando

121516-Awra.jpgMasayang masaya ang Internet sensation turned child actor na si McNeal Briguela o mas kilala bilang Awra para sa naging mainit na pagtanggap ng mga manunuod ng Maalaala Mo Kaya noong nakaraang episode nito noong December 10.

Natunghayan ang makulay at masayang buhay ng child star na umani ng positibong komento sa mga manunuod dahil sa pagiging natural na pag ganap nito sa sariling life story.

"Sobrang masaya po kasi maraming pumuri at nag congratulate sa akin na ang galing ko daw po."

Aminado din si Awra na nahirapan siya habang binubuo nila ang kaniyang storya dahil sa pag aalinlagan sa mga humuhusga sa kanya.

"Siyempre po nahirapan pero tinanggap ko po yun ng buo kasi para malaman na rin nila kung sino ako at para hindi na rin nila ako husgahan."

Ayon din kay Awra, pagkatapos nilang gawin ang kanyang life story sa MMK ay naayos ang mga gusot sa kanyang pamilya.

"Masaya po kasi after ng MMK lahat po kami nagka patawaran at lahat po nagka patawaran po." 

Pinasalamatan din ni Awra ang mga nagsisilbing gabay niya na sila Coco Martin at Vice Ganda na siyang naging inspirasyon niya sa kanyang karera bilang artista.

"Thank you po kasi lahat naman po ng mga ito ay dahil kay kuya Coco and Ate Vice sila po yung gumabay sa akin," kuwento ni Awra.

Dagdag pa ni Awra ang lahat ng tagumpay niya ay ang kanyang maituturing na pinakamagandang regalo ngayong kapaskuhan.

"Siguro po yung regalo ko para sa sarili ko ibibigay ko nalang po muna sa family ko kasi para sa kanila naman lahat ng ito," pagtatapos ng child actor.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN