Blind item: Male singer, ipinahiya ng gurang na starlet sa hotel

8/27/2016 6:05 PM
by: Miss Lyka

082716-Singer_BlindItem.jpgHiyang-hiyang lumabas sa hotel ang male singer na tinalakan at ipinahiya ng dating artista na kilala sa image niya na bungangera at may pagkamataray.

Ang dahilan, hindi raw nito nagustuhan na hindi ipinaalam sa kanya ng male singer na aappear siya sa birthday party na common friend ng isa nilang kaibigan.

Say daw ng gurang na starlet na hindi rin naman sumikat nu’ng kapanahunan niya, “Hoy, bakit nandito ka (male singer)? Sisiraan kita sa media!”

Unang naging ka-close ng gurang na starlet ang male singer bago ang isang business woman na parang nanay na rin kung ituring niya. Selos daw ang dahilan kung bakit siya ipinahiya nito.

“Sinamahan ko lang naman siya (male singer) do’n sa birthday ng kaibigan namin. Wala naman akong intensyon na sirain ang closeness nila nu’ng singer. Pero dahil sa ginawa niyang panghihiya, nagka-trauma tuloy yung singer sa kanya. At saka, excuse me, hindi siya sikat ‘no!” sabi pa ng business woman.

Clue: Hindi showbiz ang business woman na ka-close na ngayon ng male singer, pero ang nakabangga niya ay talakerang nanay ng isang dati ring sikat na artista.

Ang male singer naman na involve sa isyu ay may E sa kanyang pangalan.

Photocredit: blair25.deviantart.com

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN