Character actor winner ang ginawang ‘gimik’

8/17/2016 12:13 AM | Updated as of 8/17/2016 12:15 AM
by: Miss Lyka

081616-blinditem_main.jpgNag-benfit ang character actor sa gimik na ginawa niya sa showbiz nitong mga nakaraang araw. Kinagat kasi ng media ang kiyeme-kiyemeng isyu na kinasangkutan niya. Kaliwa’t kanan ang interbyu sa kanya. May mga nakisimpatiya pero dumami rin ang haters niya.

Konti lang ang nakakaalam sa showbiz sa ginawang gimik ng character actor. Yung mga may alam, naging quiet na rin lang at sinakyan ang trip ng actor.

After the much-publicized “gimik” ay talaga namang napag-usapan ang actor. Bumango kahit konti ang kanyang pangalan at naging visible. “Nakipagbati” na rin siya sa kapwa actor na nakabangga niya noon. 

Para sa mga taga-showbiz, normal lang na may mga ganyang gimik ang isang artista. Ginagawa naman talaga nila ang ganito para mapag-usapan. Pero ang reaksyon ng mga normal na tao na hindi naman showbiz, nalinlang daw sila ng character actor.

“Ang akala namin totoo lahat, pero scripted pala. Ang galing niyang umarte. Sobrang kapani-paniwala,” reaksyon nila.

Ayaw naming mabugbog kaya hindi na kami magbibigay ng clue. Ha-ha-ha!


Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN