Produ, problemado sa romcom movie ni Direk

8/9/2016 12:46 AM
by: Miss Lyka

080816-BlindItem_PUSH.jpgHindi alam ng sikat na movie producer kung matatapos ang isang romcom movie na ipinagawa niya sa isang baguhang director ng pelikula. Sa September dapat ang playdate ng movie pero hindi pa raw ito nangangalahati.

Paano ba naman, sa halip na magsyuting aypagwu-workshop ang ginagawa ng director sa mga artista niya sa set ng pelikula na siyempre, ikinawindang ng produ.

“Dapat noon niya ginawa ang workshop. Dapat syuting ang inaatupag niya kasi may playdate na kami,” talak pa raw ng producer sa isang kaibigan.

Nang rebyuhin din ng produ ang shots at mga eksenang kinunan ng director ay hindi niya ito masyadong nagustuhan. Napangitan daw ito kaya ngayon ay hindi malaman kung itutuloy pa ang pelikula o ipapagawa na lang sa ibang director.

Nakakaloka nga naman, huh!

Anyway, first time pa namang gagawa ng aktres na bida sa pelikula sa film outfit ng produ. Para tuloy nagkaroon siya ng bad experience dahil hindi smooth ang attempt niyang mag-spread ng wings.

Pag nagbigay ako ng clue, tiyak na mahuhulaan ninyo.

Basta ang aktres ay isang Kapamilya at hindi Star Cinema ang producer ng pelikula niya, huh!

Ang actor naman na leading man niya ay may katatapos lang na afternoon series na medyo sexy ang tema sa isang TV network.

Get’s niyo na?

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN