Aktres siniraan sa producer ng kapwa aktres na karibal niya noon sa boylet

7/22/2016 7:46 AM | Updated as of 7/22/2016 10:33 AM
by: Miss Lyka

072216-blinditem_main.jpg

Hindi pa pala natatapos ang isyu sa dalawang magaling na aktres na nag-ugat ng dahil lamang sa isang lalaki. Ang akala ng marami ay okay na sila dahil pareho nang nananahimik ang kampo pero hindi pa pala.

Ang huling tsismis, siniraan ng aktres sa producer ng pelikula ang aktres na dati niyang karibal sa boylet hanggang hindi na ito kinuha ng produ at totally na-erase na ang pelikulang dapat ay kanyang gagawin.

Aware kaya ang aktres na nawalan ng trabaho na ang cause ng pagkatsugi ng project niya ay dahil sa aktres na dating karelasyon ng naging dyowa niya noon? Kawawala naman ang aktres na ito na patalikod tirahin ng karibal na aktres.

Ang medyo hindi nga lang maganda, ipinangangalandakan ng nanirang aktres na isa na siyang Christian at mas malapit sa Diyos ngayon pero kaiba naman ito sa kanyang mga ikinikilos. Nakakaloka.

Mabuti na lang at hindi alam ng siniraan niyang aktres na siya ang nagpatanggal sa produ ng project na uumpisahan na sana dahil natapos na ang storycon nito. Tiyak maloloka siya kapag nalaman ang nangyari.

Anyway, parehong may kanya-kanya ng pamilya ang dalawang aktres na ito although hindi sila parehong kasal sa mga respective partners nila. Pareho rin silang award-winning at halatang iisa ang taste sa lalaki. Ha-ha-ha!

Photo credit: gettyimages.co.uk

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN