Young actor, ‘graduate’ sa gay bar

7/18/2016 1:27 AM | Updated as of 7/18/2016 1:29 AM
by: Miss Lyka

071816-BlindItem_PUSH.jpgMaganda na ang buhay ng guwapong young actor na dati ay sumasayaw lamang sa gay bar. Pero hindi naman siya macho dancer. Kasama siya sa isang grupo ng mga cute guys na in-house dancer ng nasabing gay bar na hindi na lang namin papangalanan.

Pinagkakaguluhan ang aura ng young actor na ito dahil super gwapito talaga dahil hindi naman siya purong Pinoy. May lahi siya kaya matangos ang ilong, maputi at talagang simpatiko.

Saglit munang namahinga sa pagsasayaw sa gay bar ang binata bago siya sumali sa isang reality show. Siyempre, kailangang burahin ang image na sa gay bar siya nagwu-work kaya “itinago” muna siya ng nakadiskubreng bading na talent manager.

Nang sumali na siya sa reality show, kapansin-pansin ang potensyal niya para maging artista kaya napasama siya sa mga winners. Nabigyan din siya ng mga projects ng TV network na nagsagawa ng reality contest kaya nakaipon ang bagets.

Kamakailan lang ay pinagpistahan sa social media ang kontrobersyal niyang video na nu’ng kalaunan ay inamin din naman niya. Aaminin din kaya niya na “graduate” siya sa isang gay bar bago siya naging artista?

Clue: Super guwapo ang young actor na ito. At dahil maraming guwapo sa showbiz, I’m sure, hindi niyo rin siya mahuhulaan. Ha-ha-ha! Babu!

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN