Regalong check ng sexy star sa showbiz reporter tumalbog!

7/2/2016 1:50 AM | Updated as of 7/4/2016 9:01 AM
by: Stephanie Manhit

070216-Blind.jpgKalat na kalat sa umpukan ng entertainment writers ang nakakalokang kuwento tungkol sa isang sexy star at sa movie scribe na niregaluhan niya ng check bilang birthday gift. Tuwang-tuwa siyempre ang baklitang movie scribe kasi good amount ang nakita niya sa tseke.

“Thank you talaga sa gift mo, you’re so mabait,” sabi pa ng reporter sa sexy actress. Super smile naman ang hitad sabay sabing “wala pong anuman.”

After a couple of days, go na sa banko ang reporter para i-encash ang b-day gift sa kanya only to find out na walang pondo (DAIF) ang checking account ng sexy star. Naloka ngayon ang bakla. Medyo napahiya kasi siya sa nangyari.

Kaagad niyang tinext ang assistant ng sexy star para sabihin ang nangyari. In fairness, nagreply naman agad ito at sinabing sasabihin niya sa sexy star na walang pondo ang tseke. Super wait siyempre ang bakla kung papalitan ba ng cash o iisyuhan siya ng bagong tseke.

Hopeless na ang bakla at hindi na siya umasa na babalikan siya ng aktres na nagbigay sa kanya ng check. Tinawagan siya nito after a couple of weeks sabay hingi ng paumanhin. Hindi raw niya napansin na wala ng pondo ang bank account niya dahil nag-withdraw pala ang mother niya ng malaking amount.

At least, may effort siya di ba? Kung sa iba yon, dedma na at hindi na magpaparamdam. Super thankful din ang bading na writer na finally mage-get na niya ang birthday gift na ibinigay ng sexy star.

Clue: Ang sexy star na ito ay naging very controversial noon dahil sa isang video. May anak na rin siya ngayon kaya lang hiwalay na siya sa kanyang dyowa.

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN