Singer-actress, galante sa pinsang actor

6/18/2016 1:09 PM | Updated as of 6/18/2016 1:11 PM
by: Miss Lyka

061816-singeractress_push.jpgClose ang singer-actress sa pinsan niyang nag-aartista na rin nu’ng kanilang kabataan. Madalas silang tumambay noon sa isang sing along bar sa may Timog para mag-relax. Kadalasan ay madaling araw na sila umuuwi.
 
Dahil aspiring singer at actress pa lang noon ang pinsan ng actor, medyo hirap pa ito sa buhay. Kaliwa’t kanang raket din ang  pinapatulan nito para magkapera. Nag-movies, nag-recording na hindi naman nag-hit dahil di nai-promote nang maayos pero kahit pa ganun ang nangyari, non-stop sa paggawa ng paraan para mabuhay ang singer-actress.
 
Fast forward tayo ng istorya. Nagkaroon ng anak ang singer-actress na sikat na sikat ngayon. Biglang buhay donya na siya at di inakalang magkakaroon pa ng second chance sa showbiz.
 
Tinanong namin ang pinsan niyang actor kung naaalala pa ba siya ng singer-actress at inaambunan ng biyayang meron siya ngayon. Sagot niya, “hindi siya nakakalimot. Lagi niya akong naaalala. Galante siya sa aming mga pinsan niya na nakasama niya nung panahong walang-wala pa siya.”
 
Wow naman. How nice of her. Kaya naman pala patuloy siyang pinagpapala ng Diyos kasi malaki talaga ang puso niya, huh. Keep it up, girl!

Visit the Full Desktop Site

Copyright © 2017 Push ABS-CBN